DMW tiniyak ang kaligtasan ng mga OFWs sa Taiwan

Tiniyak ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na patuloy ang pagmamanman nila sa sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers o OFW sa bansang Taiwan.

Kasunod ito ng panibagong tension sa pagitan ng Taiwan at China.

Read More:  Ridon urges Marcos to consider expelling Chinese Embassy staff over online attacks

Sa Saturday News Forum, sinabi ni Cacdac na may specific contingency plan ang kanilang ahensya, bagamat tumanggi itong ilahad ang detalye.

Nakikipag ugnayan na rin sila sa Manila Economic Cultural Office o MECO at sa mga community leaders sa Taiwan.

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Nabatid na nasa 153, 000 ang mga Pilipino sa Taiwan at halos 95% sa kanila ay mga OFW.