Simula sa susunod na linggo ay asahan na ang taas-presyo sa lahat ng mga produktong petrolyo.
Sa pagtataya ng mga oil industry sources, maglalaro sa P0.20 hanggang P0.40 ang posibleng itaas sa kada litro ng gasolina.
Sa diesel, mayroon ding inaasahang umento mula P0.20 hanggang P0.40; at ganun din ang posibleng price hike sa kerosene mula P0.20 hanggang P0.40.
Ito ang tumapos sa ika-apat na sanang linggong sunud-sunod na rollback sa gasolina; habang ikalawang linggong taas-presyo na sa sa diesel at kerosene.