Birth certificate ni Mayor Guo posibleng makansela dahil kakulangan ng supporting documents

Malaki umano ang posibilidad na makansela ang birth certificate ni Bamban Mayor Alice Guo matapos lumitaw na walang supporting document na makakapagpatunay na valid o totoo ang nakasaad sa birth certificate nito na ibinigay ng kanyang ama na si Angelito Guo.

Read More:  Duterte to skip Nov. 2 ICC status conference

Ayon sa Philippine Statistics Authority na may iregularidad sa birth certificate ni Guo.

Sinabi ng PSA, na wala silang record na may ipinanganak sa Pilipinas na Amelia Leal o Angelito Guo na sinasabing mga magulang ni Mayor Guo.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Maliban diyan, walang ring naitala sa PSA na nagpakasal sa bansa ang mga magulang ni Mayor Guo bagama’t sinasabing kasal ang mga ito batay sa nakasaad sa kanyang birth certificate.