Organizers ng Atin Ito Coalition, pinuri ng Navy sa pagsasagawa ng civilian mission sa Scarborough

Pinuri ng Philippine Navy ang mga organizers ng Atin Ito Coalition sa pagsasagawa ng civilian mission sa Scarborough shoal.

Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad, ang aktibidad ay pagpapakita ng malalim na pang-unawa sa mga isyu sa bansa lalo na sa WPS.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ipinapakita rin aniya nito na ang pagtatanggol sa karapatan at teritoryo ng Pilipinas ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan kundi isang kolektibong pagsusumikap ng buong bansa.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Kasunod nito, mahigpit na babantayan ng Armed Forces of the Philippines ang isinasagawang civilian mission.

Kinumpirma ni Trinidad na nagpadala sila ng barko para tutukan ang nasabing aktibidad.