Legazpi City, host sa PRISAA; LGU, naghahanda na

LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Legazpi City bilang host para sa nalalapit na Private Schools Athletic Association (PRISAA) na gaganapin sa Hulyo 21-28, 2024.

Ayon kay City Mayor Geraldine Rosal, nasa 10,000 na mga atleta ang inaasahang lalahok habang 400 na mga pribadong paaralan mula sa iba’t ibang rehiyon ang makikipagpaligsahan sa nasabing palaro.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Inaayos na rin ng lokal na pamahalaan ang tutuluyan ng mga manlalaro, coaching, komite at iba pang opisyal upang matiyak na maayos ang kanilang kalagayan.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Maliban pa rito, maging ang mga venues at palikuran ay kasama rin sa ginagawang pag-inspeksyon at pag-aayos ng mga kagamitan.