Kaso ng ASF sa Tiwi, Albay, umabot na sa 7

LEGAZPI CITY – Umabot na sa pitong baboy ang nagpositibo sa African Swine fever (ASF) sa bayan ng Tiwi, Albay ayon sa Albay Veterinary Office.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Provincial Veterianarian Dr. Pancho Mella, sinabi niya na dalawang barangay ang nagkaroon ng kaso nito – Joroan na mayroong apat at Bariis na may tatlo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nagsagawa na umano sila ng depopulation sa mga baboy mula sa mga nasabing barangay upang mapigilan ang pagkalat ng ASF.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sinabi ni Mella, patuloy ang kanilang surveillance activity sa bayan sa pamamagitan ng pagkuha ng sample blood collection ng mga baboy upang malaman kung may magpopositibo pa rin sa ASF sa mga barangay.