‘Most wanted’ ng batas, tiklo sa Batangas!

BATANGAS CITY – Tuluyang nahulog sa kamay ng mga operatiba ng Batangas City Police Station ang lalaking itinuturing na Top 6 Most Wanted Person ng Batangas Province sa ikinasang operasyon sa Taysan, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Jayson Asi y Perez, 26 anyos, binata at residente ng Sitio Talon, Brgy. Mabayabas, Taysan, Batangas.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Batay sa datus ng Batangas PNP, si Asi ay itinuturing na Top 6 Most Wanted Person sa buong lalawigan dahil sa kasong 2 counts of sexual abuse.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Sinampahan ito ng kaso sa korte sa Batangas City noong Mayo 14 2019.

Sa ikinasang manhunt operation ng Batangas CPS sa kinaroroonan ng suspek ay tuluyan itong naaresto sa bisa ng warrant of arrest.

Kasalukuyan siyang nakadetina sa custodial facility ng naturang himpilan.