Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang paglalagay ng label sa mga lokal at imported na mga bigas upang maiwasan na ang paghahalo-halo ng mga uri nito.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, sa pamamagitan ng hakbang na ito ay mabibigyan ng kinakailangag impormasyon ang mga konsyumer na may nais sa locally-produced rice o imported rice.
Kaugnay nito, dapat din aniyang masilip ang mislabeling activities na nangyayari sa mga pamilihan.
Posible raw kasing paghaluin ang mga bigas na mura at mahal para maibenta sa mas mataas na halaga.
Samantala, tiniyak ng DA na sisilipin nito ang gap sa pagitan ng farmgfate at retail prices ng bigas.