NDF, pinakamalaking ‘terrorist groomer’ sa bansa – NTF-ELCAC

Pinakamalaking terrorist groomer ang National Democratic Front ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang network ng mga Underground Mass Organizations at Front organizations na ginagamit ng NDFP para makapanloko ng mga indibidwal na sumama sa kanilang kilusan.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Partikular aniyang target ng recruitment ang kabataan at mga estudyante.

Ayon kay Torres ang designation ng pamahalaan sa NDP bilang teroristang organisasyon noong June 23, 2021 ay patunay na nananatiling banta ang grupo sa public safety at national security.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Nanawagan si Torres sa mga indibidwal, pamilya, komunidad, paaralan, at mga workplace na maging mapagbantay sa isinasagawang terrorist-grooming sa kanilang hanay para sa kaligtasan ng kabataan at kaayusan ng lipunan.