Bagong airline BARMM, nakatakdang buksan sa Miyerkules

Nakatakdang buksan sa Miyerkules ang bagong airline na nakabase sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Layunin nitong ikonekta ang mainland BARMM sa mga isla nitong lalawigan upang madaling ma-access ang probinsyon ng mga serbisyo at palakasin ang ekonomiya at turismo sa probinsiya.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Sinabi ni Bangsamoro Board of Investment Chairperson Mohammad Pasigan na ang Bangsamoro Airways ay unang dadaan sa mga ruta ng Zamboanga City at Sulu.

Kasalukuyan itong may limitadong seating capacity, na aabot sa anim hanggang sampung pasahero lamang, kabilang ang mga aviator.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Inaasahang papalawigin din ng airline ang serbisyo nito sa dalawang munisipalidad ng Tawi-Tawi, Sibutu at Mapun, Kota Kinabalu, at Malaysia makalipas ang isang taon.