‘Proposal na tanggalin ang board exams para sa mga nurse, kailangang pag-aralan’

Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na kailangan pa ng dagdag na pag-aaral para sa proposal na tanggalin na ang licensure exams para sa nurses at iba pang professionals.

Ito ay matapos palutangin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang ideya dahil sa mahal na gastusin sa pag-aaral at pag-take ng boards. 

Ayon kay Bello, sapat na ang pag-graduate sa isang  Commission on Higher Education-accredited institution.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Pero nilinaw ng kalihim na nais lamang nyang silipin ng Philippine Nurses Association (PNA) at Professional Regulation Commission (PRC) ang licensure exams at hindi tanggalin ito.

Sa isang mensahe, sinabi ni Duque na kailangang kumbinsihin ni Bello ang mga mambabatas na amyendahan ang Nursing Act at PRC law dahil nire-require sa batas ang mga professional na dapat makapasa ng board exams bago makakuha ng isensya.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Samantala, ibinasura naman ng PNA ang mungkahi ni Bello at iginiit na kailangang matiyak ang competency ng health professionals para masigurong ligtas ang buhay ng mga tao sa kanilang mga kamay. 

Maliban sa PNA, di rin sang-ayon si Chief Justice Alexander Gesmundo sa proposal.