3 milyong indibidwal, fully vaccinated na -Palasyo

Pumalo na sa tatlong milyon ang bilang ng mga fully vaccinated individuals sa Pilipinas.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, nasa 3,089,876 na ang fully vaccinated persons.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa 12.4 milyong doses na naiturok, 9,399,801 ang ibinigay bilang unang dose as of July 7.

Mababatid na sa ngayon, mayroon nang 17 milyong COVID-19 vaccine doses ang Pilipinas.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Mamayang gabi, may darating pang isang milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa bansa na donasyon ng Japan.

Inaasahang sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng shipment