3 pang miyembro ng NPA sumuko sa pamahalaan

SORSOGON CITY – Tatlo pang miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army ang nagbalik loob sa pamahalaan sa Masbate.

Ito ay matapos silang sumuko sa personahe ng Aroroy Police at sa militar.

Kinilala ang mga ito na sina Jelbert Sebario Laurio alias Dagol, Jannel Velarde Albao alias Jhonrey at Jeron Sta Clara Malto alias Bryan lahat residente ng Brgy Balete ng nasabing bayan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon sa ulat, ang tatlong rebelde ay regular na miyembro ng Platun 3, Larangan 1, Komite Probinsyal 4 sa ilalim ng pamumuno ni Ka Star o Eddie Rosero, commanding officer ng Sentro De Grabidad (SDG), Larangan 1, Komite Probinsyal 4.

Kasabay na ibinaba ng tatlo ang kanilang armas na kinabibilangan ng isang M16 rifle, isang magazine na kargado ng 20 bala, isang shotgun ay isang improvised shotgun na may magazine na may tatlong bala at dalawang pirasong Molotov.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nauna nang sumuko noong Hulyo 2 ang 17 indibidwal na kinabibilangan ng tatlong regular na miyembro ng NPA at 14 na miyembro ng Militia ng Bayan (MB).

Ang sunod-sunod na pagsuko ng mga rebelde ay resulta ng pagsisikap ng PNP at Phil Army at sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Masbate at ng komunidad.