UPCAT results, na-release na

Inilabas na ang resulta para sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) sa Academic Year (AY) 2024-2025.

Sa isang Facebook post, inanunsyo ng UPCAT-UP System ang schedule kung kailan maaaring mag-log in ang mga applicants sa portal depende sa kanilang apelyido.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Mamayang gabi naman, sa ganap na alas-8 ng gabi – magiging bukas na para sa lahat ang naturang portal.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ang UPCAT para sa AY 2024-2025 ay ginanap noong June 3 hanggang 4 ng nakaraang taon sa higit 100 mga test centers nationwide.

Ito ang kauna-unahang UPCAT buhat noong ipatupad ang lockdown dahil sa pandemya.