DepEd: papanagutin ang pumatay sa Grade 8 student sa Batangas

Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang ginawang pagpatay sa Grade 8 student sa Agoncillo, Batangas.

Sa inilabas na pahayag ng DepEd, sinabi nitong walang lugar para sa karahasan sa lipunan, lalo na kung gagawin ito sa mga bata na inaasahang magiging susunod na peace champions at nation builders.

Kasabay nito ay nanawagan ang kagawaran sa mga otoridad na tiyaking mapananagot ang suspek sa pagpatay, at ang agarang pagkamit ng hustiya para sa bata.

Sa huli, nagpadala na rin pakikiramay ang DepEd sa pamilya ng batang biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *