LRT2 at MRT3, may handog na libreng sakay sa mga solo parents bukas

May alok na libreng sakay para sa single parent ang MRT3 at LRT2 bukas, April 20 bilang pagdiriwang ng Solo Parents’ Day.

Libreng makasasakay ang mga solo parent mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at masusundan naman dakong alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Kinakailangan lamang magpakita ng valid solo parent’s ID sa stations personnel para ma-avail ang libreng sakay.

Layon ng libreng sakay na makapagbigay ng inspirasyon sa mga solo parent na mag-isang itinataguyod ang kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *