Pagdaan ng mga e-trike at e-bike, bawal pa rin sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila

Ipinagbabawal pa rin ang pagdaan ng mga e-trike at e-bike sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Yan ang nilinaw ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes matapos ang anunsyo kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng palugit ang mga e-bike at e-trike, at iba pang apektadong sasakyan, na dumaan sa major roads na nasa hurisdikson ng MMDA.

Read More:  Marcos warns LGU officials against corruption in ₱8.6-B disaster funds

Sa pulong balitaan, sinabi ni Artes na ang ipinagpapaliban lamang ay ang panghuhuli, pagbibigay ng ticket, at pag-impound at hindi ang pagdaan sa mga tukoy na lasangan sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Artes, naawa raw si Pangulong Marcos nang mapanood nito ang strict implementation kaya sinuspinde ito isang buwan.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Giit naman ni Artes na naging sapat ang kanilang information campaign pero nagkulang sila na ipaalam ang mga alternatibong ruta sa mga maapektuhan ng implementasyon.

Samantala, pinag aaralan ng MMDA ngayon kung paano ikakansela ang mga naisyung tiket sa mga drayber ng e-bike, e-trike, at iba pang apektadong sasakyan.