MMDA, pinag-aaralan ang pagbabalik ng mga na-impound na e-bikes

Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kanselahin ang tiket at ibalik ang mga na-impound na sasakyan ng mga lumabag sa MMDA Regulation No. 24-022 series of 2024.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand marcos Jr. na ipagpaliban muna ang panghuhuli, pagbibigay ng ticket, at pag-impound sa mga mamamataang e-trikes sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, kailangan nilang pag-aralan ang mechanics dahil sa naka-issue na sila ng ticket at may proseso ang pagre-release ng mga impounded vehicle.

Simula nitong Lunes hanggang Miyerkules, nasa 201 motorista ang nahuli at 69 na sasakyan ang na-impound dahil sa paglabag sa implementasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *