Senador: Maynilad, dapat panagutin sa nadiskubreng ‘sinkhole’ sa Pasay City

Binigyang-diin ni Senate Committee on Public Works, Chairperson, Senador Ramon Bong Revilla Jr. na marapat lang panagutin ang Maynilad at ang mga contractors nito.

Ito ay matapos madiskubre ng awtoridad ang malaking butas o ‘sinkhole’ sa gitna ng kalsada sa Sales Road na siyang malapit sa Villamor Air Base-Gate 3 sa Pasay City.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Pagpapaliwanag ng senador, mahalagang mapanagot ang mga ito upang magsilbing leksyon at daan sa mga service providers na maging proactive sa kanilang mga proyekto.

Dagdag pa niya, malaki ring kapahamakan ang dala nito sa mga motorista lalong lalo na kung hindi pa ito agad nakita.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Samantala, inabisuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista tungkol dito at nilagyan na rin ito ng orange barriers at cones upang hindi na madaanan ng mga motorista.