Kulay na red, green, at white ng alternative uniforms ng teachers – kinwestyon

Kinuwestyon ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang kulay ng mga alternatibong uniporme na inilabas ng Department of Education para sa teaching at non-teaching personnel ngayong panahon ng tag-init.

Batay kasi sa inilabas na larawan ng DepEd, pinapayagan ang mga school personnel na magsuot ng collared DepEd polo shirts na ginagamit sa events at activities kabilang ang puti, pula at berde.

Ayon kay Castro, tila makahulugan at may kinalaman sa pulitika ang mga kulay pula at berde.

Sana aniya ay hinayaan na lang ang mga guro at non-teaching staff na pumili ng kulay na gusto nila upang mas maging komportable ngayong tag-init.

Punto ng kongresista, huwag na lang gamitin ang mga kulay ng pulitika noong nakaraang halalan dahil maaaring pag-isipan ang DepEd na maagang nangangampanya.

Ang mga naturang collared polo shirts ay kadalasang ginagamit sa mga event ng DepEd tulad ng Brigada Eskwela at Palarong Pambansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *