SB19, sold out na ang two-day concert sa Araneta

Nag-trending sa social media ang Kings of P-pop na SB19 matapos inanunsyong sold out na agad ang kanilang two-day concert.

Gaganapin ang SB19 PAGTATAG Finale World Tour sa darating na May 18-19 sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Read More:  Jinkee Pacquiao turns backlash over umbrella incident into joke

Ayon sa kanilang post, ito na ang pinakamabilis na ticket selling kaya’t lubos silang nagpapasalamat sa kanilang A’TINs sa kanilang walang sawang suporta.

Read More:  Kris Aquino open to public service, hopes to become DOH secretary

Ang SB19 ay binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin, na nakilala sa kanilang mga hits na “Go Up,” “What?” at “Gento.”

###