Filipino gymnast na si Emma Malabuyo, inaasahang makapasok sa Olympics

Nakahanay ang isa pang gymnast na sumali sa lumalaking Olympic roster ng Pilipinas dahil pinaplanong masungkit ni Emma Malabuyo ang isa pang slot sa pamamagitan ng FIG Artistic Gymnastics World Cup Series.

Inaasahan mag-compete si Malabuyo sa Doha, Qatar, tatakbo mula Miyerkules, Abril 17 hanggang Sabado, Abril 20.

Kung sakaling magtagumpay sa World Cup, si Malabuyo na ang pangatlong Pilipinong gymnast na qualified sa Olympics, kasama ang mga kababayang sina Carlos Yulo at Levi Jung-Ruivivar.

Sa ngayon, nasa ikalawang pwesto si Malabuyo para mag-qualify sa Olympics, na may 69 points matapos ang kanyang mga laban sa Cairo, Egypt, Cottbus, Germany, at Baku, Azerbaijan.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *