Pagluluto ng agahan sa kalsada nang walang apoy, posible kaya?

Sa sobrang init ng panahon, naghanap ng pakulo ang mga netizens upang i-take advantage ang heat ngayong tag-init!

Gaya ng isang content creator na si Miss Popcorn na taga Negros Occidental na nagluto ng kanyang agahan with a twist.

Imbis kasi na magluto sa kanilang kusina, sa kalsada ito nag prito ng kanyang breakfast nang walang ginagamit ng apoy.

Ngunit naging posible ito matapos niyang ibilad sa araw ang kawali na may mantika nang 20 minuto.

Sa sobrang init ng kalsada, naluto ang mga ulam nitong hotdog, isda, at longganisa. Kitang-kita pa sa video na tumatalsik ang mantika

Saad pa nito, hindi niya hinihikayat na gayahing magluto sa labas ng bahay lalo na napaka init ng panahon.

Katuwaan lang raw ito para may ma-content at makapag bigay saya sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *