DTI, pananagutin ang nag-viral na takoyaki shop

Pananagutin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nag-viral na Takoyaki shop sa oras na mapatunayang wala itong promotional permit bago isinagawa ang ‘marketing stunt’.

Matatandaang nag-viral sa social media ang April Fool’s prank ng naturang shop na umano’y magbibigay ng P100K sa unang tao na makakapag-tattoo ng logo ng kumpanya sa noo.

Read More:  Banga shooter planned attack since August, told friends to go home

Kalaunan ay inamin din ng may-ari na ‘scripted’ lamang ito para dumami ang kanilang benta.

Read More:  3 dead, 6 injured in Banga National High School shooting; Grade 11 suspect among fatalities

Ayon kay DTI Asssistant Secretary Amanda Nograles, kahit may promotional permit ang isang marketing stunt ay may pamantayan din ang ahensiya bago ito isagawa tulad ng mechanics sa promotion.