Babae – patay nang maaksidente dahil sa tumawid na aso sa Pitogo, Quezon

Patay ang isang 24-anyos na babae matapos itong mawalan ng kontrol sa minamanehong motor nang dahil umano sa tumawid na aso sa Pitogo, Quezon nitong Miyerkules, Abril 10.

Ayon sa report, nabangga umano ng driver ng motor ang aso matapos nitong biglang tumawid kung kaya nawalan ito ng kontrol at natumba sa kalsada.

Dead-on-arrival sa hospital ang biktima matapos nitong magtamo ng matinding injury sa ulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *