Labi ni Tsgt. Agana naiuwi na sa kanyang pamilya sa Zambales

Naiuwi na kahapon sa Zambales ang labi ng isang sundalong kasama sa nasawi sa nangyaring pagbagsak ng C130 sa Patikul, Sulu.

Kahapon ng umaga ay dumating ang labi nito sa Bgy. San Agustin bayan ng Iba kung saan naroon ang pamilya nito.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Ayon kay PB Edith Montefalcon, si Tsgt. Mark Anthony Agana ng Philippine Airforce, ay lehitimong residente ng kanilang barangay at kamag-anak rin niya ang pamilya nito.

Nang mangyari umano ang disgrasya ay nakatanggap pa ng tawag ang pamilya na buhay pa ito pero nang sumunod na tawag ay binawian na rin ng buhay ang bayaning sundalo.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Matatandaan na nakalipas na araw ay nagpasa na ng resolusyon ang barangay bilang pakikiramay sa pamilya at pagkilala kay Agana na may naulilang asawa at dalawang anak.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of one or more people and text that says 'Para sa mas maginhawang araw! SHOP NOW! Lazada Power Cells 6 in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Û. www.powercells.ph'