Na-rescue may problema sa pag iisip sa Naga City mas dumami-CSWDO

NAGA CITY – Problemado ngayon ang Naga City Social Welfare and Development Office dahil sa mas dumami ang na re-rescue nilang mga may problema sa pag-iisip na agad nilang dinadala sa Don Susano Rodriguez Mental Hospital sa Pili Camarines Sur, para sa agarang confinement at medication sana sa mga ito.

Read More:  Negros NGO stands out as lone Visayas honoree in national poverty reduction awards

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Annabel Vargas, head ng CSWDO, dismayado sila dahil sa hindi basta tumatanggap ng pasyente ang mental hospital, dahilan daw ng management ay walang magbabantay sa mga ito.

Read More:  Police hunt hit-and-run driver after child injured in Lapu-Lapu City

Ang ganitong sistema sa naturang mental hospital ay matagal ng nangyayari kaya walang magawa sina Vargas kundi ibalik sa pamilya ang mga na rescue nila na ang resulta ay napapabayaan din at babalik na naman sa lungsod para maging palaboy.