3 nalulunod narescue sa Bato, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Nailigtas ng mga personahe ng Coast Guard ang tatlong mga nalulunod na indibidwal sa Bato, Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay CG Petty Officer 1 Arthur R. Arga, habang nagsasagawa ng Baywatch Patrol nitong nagdaang Sabado de Gloria, napansin nila ang tatlong nalulunod na sa karagatang sakop ng Barangay Pagatpatan. Sa kanilang imbestigasyon, low tide pa nang pumunta sa parteng iyon ang limang magkakasama, naunang bumalik ang isa habang nakalangoy naman ang isa pa. Malalim na ang tubig nang babalik na rin sana ang tatlo pang iba at nahirapan nang tumawid.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique
Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Samantala, patuloy na magiging mapagbantay ang PCG lalo pa ngayong Summer Season. Inikot na rin ang mga resort upang matiyak na mayroong sapat na mga life guards at lifesaving equipment.