‘Katok-katok’ isyu sa Ligao City, pinabulaanan ng pulisya

LEGAZPI CITY – Pinabulaanan ng Ligao City Police Station ang mgakumalat na ‘Katok-katok’ isyu sa lugar na nagbigay ng takot sa mga residente ng lungsod.

Tinawag ito ng pulisya na ‘fake news’ sapagkat wala umano itong katotohanan.

Read More:  DOJ recommends charges against police officer over Tacloban school shooting gun

Dahil dito, nagpaalala ang himpilan na ang pagpapakalat ng fake news ay isang krimen at dapat itong itigil, dahil nagdudulot ito ng takot sa publiko.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Maliban dito, ipinaalala pa ng himpilan na maging mapanuri sa mga nababasa online at huwag basta-basta maniniwala o huwag agad mag-share lalo na kung hindi naman beripikado ng mga otoridad.