APSEMO, wala pang natatanggap na damage report sa Albay kaugnay ng El Niño

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na wala pa silang natatanggap na damage report sa lalawigan kaugnay ng El Niño phenomenon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay APSEMO Chief Dr. Cedric Daep, sinabi niya na dahil dito ay hindi pa masasabi kung may epekto ang El Niño sa lalawigan.

Read More:  13-year-old identified in Cebu school shooting threat

Masasabi kasi na mayroon itong epekto sa lugar kung nakapagtala ng mga pinsala.

Samantala, sinabi pa ni Daep na bago paman magsimula ang El Niño noong nakaraang taon, nagbigay na sila ng abiso sa mga magsasaka na magtanim na upang mayroon na silang aanihin bago paman pumasok ang nasabing phenomenon.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Sa ngayon, ang kanilang pinaghahandaan ay ang mga paparating na bagyo oras na humupa na ang El Niño. | Brigada Intern MAUREEN BONANZA