Mga kinandadong bodega ng NFA, pinabubuksan ng DA

Ipinag-utos ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kay National Food Authority (NFA) officer-in-charge Piolito Santos na buksan na ang mga ikinandadong siyamnapu’t pitong bodega ng bigas.

Read More:  Marcos mourns 2 students killed in Zamboanga shooting, orders probe

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa na dadaan muna sa tamang proseso bago magpatuloy ang normal na operasyon ng mga bodega.

Ayon kay De Mesa, kailangan pang isailalim sa imbentaryo ang laman ng bodega, kasama ang dati at bagong bodegero na sasaksihan ng taga-Commission on Audit (CoA) at iba pang kinatawan.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Layon nitong tiyaking tama ang bilang ng mga bigas at paigtingin ang accountability ng mga tagapangalaga sa mga bodega.