Mahigit 600 kaso ng dengue naitala ng ZPHO mula Enero

Umabot na sa 614 ang naitatalang kaso ng dengue ng Provincial Health Office sa lalawigan ng Zambales.

Ito ay base sa record mula unang araw ng Enero hanggang ika-26 ng Hunyo ngayong taon.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, mas mataas ito ng 140.78% kung ikukumpara sa dating record na 255 sa kaparehong buwan.

Samantala, may mga ginagawa naman aniyang hakbang ang mga lokal na pamahalaan para hindi na tumaas pa ang bilang ng mga tinatamaan ng dengue.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Paalala rin ni Bueno sa publiko na gawin ang 4s habit na kinabibilangan ng search and destroy, self-protection measures, seek early consultation at support fogging o spraying.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

No photo description available.