CAMARINES NORTE- Napasakamay ng pinagisang pwersa ng mga operatiba ang isang lalaki na may kaso ng dalawang ulit na panghahalay dakong alas 3:15 ng hapon nitong July 5, 2021 Purok 3, Brgy. San Jose, San Vicente, Camarines Norte.
Ang akusado ay kinilalang si ROBERTO VELASCO y BALINGASA, 55 taong gulang, magsasaka at kasalukuyan naninirahan sa Purok 3, Brgy. San Jose, San Vicente, Camarines Norte.
Inaresto si VELASCO sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hon Edgar L. Armes ng RTC Branch 4, Legazpi City para sa dalawang ulit na kasong paglabag sa RA 8353 (Rape) at walang nakalaang piyansa.
Ayon sa imbestigasyon, taong 2018 at buwan ng Abril taong 2019 nang maganap ang dalawang beses na panggagahasa ni Velasco sa kanyang biktima na nangyari sa Barangay Quibongbongan, Guinobatan, Albay.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng San Vicente MPS para kaukulang disposisyon.

