Bilang ng mga nagparehistro para sa 2025 midterm elections, umabot na sa 750 thousand ayon sa COMELEC

Umabot na sa 750 thousand ang bilang ng mga nagparehistro sa Commission on Elections para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang bilang ay mula nang buksan ang registration period noong February 12 hanggang kahapon February 28.

Read More:  PCG drives away Chinese maritime militia vessel and 24 fishing boats near Kota Island

Sinabi pa ni Garcia, na ang mataas na bilang ng mga nagparehistro ay maituturing umanong unusual at extraordinary.

Ito’y dahil noong unang linggo ng rehistrasyon ay hindi na-obserbahan ang malaking bilang ng mga tao sa mga registration areas.

Read More:  DOLE reminds NCR employers of proper pay rules for Nov. 16-18 special non-working days

Naniniwala ang poll body na epektibo ang kanilang awareness campaign at register anywhere project dahil dumami ang mga na enganyong magpa-rehistro.