China – may sagot na sa pahayag ni Pangulong Marcos na ‘worrisome’ ang mga aksyon nito sa West Philippine Sea

Kinontra ng China ang naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na nakababahala na ang mga naging aksyon ng Beijing sa West Philippine Sea.

Una na kasing sinabi ni Marcos na ‘worrisome’ nang maituturing ang mga developments sa WPS kabilang na ang ‘di umano’y signal jamming ng China; pati na rin ang pagsama ng Chinese Navy sa pagharang sa mga Pilipino.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa isang pulong balitaan – sinabi ni Chinese Foreign Affairs Ministry spokesperson Mao Ning na itutuloy pa rin nila ang paggiit na sa kanila talaga ang mga teritoryong pagma-mayari ng Pilipinas.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Aniya, gagawin nila ang mga hakbang para protektahan ang kanilang soberanya rito.