47 sundalo na nasawi sa bumagsak na C-130, kikilalanin sa pamamagitan ng dental records

Gagamit ng dental records ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para matukoy ang pagkakakilanlan ng 47 sundalo na nasawi sa bumagsak na C-130 plane sa Sulu.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgar Arevalo, malaking hamon sa kanila ang pagkilala sa mga nasawi.

Read More:  14 countries stand behind Philippines on landmark South China Sea arbitral ruling

Mababatid na nasunog ang katawan ng lahat ng mga sundalong nasawi kung kaya’t hindi basta basta ang mga ito makikilala.

Gayunman, sinabi ni Arevalo na sa paggamit ng dental records, nakasisiguro silang makikilala ang lahat ng mga ito dahil magma-match sa kanilang mga katawan.

May sapat din aniya silang bilang ng forensic experts na handang tumulong para sa proseso.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Samantala, hindi pa naman sila maglalabas ng mga pangalan ng mga nasawi at ipapaalam muna ito sa pamilya ng biktima.

Tiniyak naman ni Arevalo na magiging transparent ang AFP sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa pagbagsak ng nasabing eroplano.