Mahigit 340K halaga ng iligal na droga nakuha sa dalawang suspek sa buy bust operation sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE – Aabot sa P346, 800 na halaga ng iligal na droga ang nakuha sa dalawang  suspek sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Barangay Tawig, Paracale, Camarines Norte.

Read More:  Earthquake-triggered waters submerge land in Davao Occidental

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Joe” 36 anyos, residente ng Cabusao, Camarines Sur at ang isang menor de edad na taga Pasay City.

Nakuha sa nasabing operasyon ang tinatayang nasa 51 gramo ng iligal na droga.

Read More:  Senior NPA leader killed in Bukidnon encounter

Nasa kustodiya ng Paracale Municipal Police Station ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon,

Mahaharap ang mga ito kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.