Rare human case ng bubonic plague, naitala sa Oregon, USA

Ikinabahala ng mga opisyal ng Oregon sa America matapos makapagtala ng rare human case ng bubonic plague.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng nakuha ito sa mga alagang pusa.

Nabadtid na ang bubonic plague ang dahilan ng pagkamatay ng malaking bahagi ng populasyon noong Middle Ages, na mas kilala bilang ““Black Death.”

Sa ngayon, hindi pa tinutukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng pasyente sa Deschutes County, ngunit siniguro nilang ginagamot na ito.

Dagdag pa nito, mabuting na-identify agad ang kaso sa early stage pa lamang upang hindi ito kumalat sa iba pang indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *