Bagong silang na sanggol, inabandona sa isang CR ng gasolinahan sa QC

Inabandona ng kanyang ina ang bagong silang na sanggol sa isang banyo ng gasolinahan sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District na nakaistasyon malapit sa gasolinahan, nagsabi pa ang babae sa kasunod nitong mag-C-CR sana na huwag gamitin ang banyo dahil ‘messy’ at nireregla raw siya.

Read More:  Passenger van catches fire along Davao-Bukidnon Road in Davao City

Narinig ito ng QCPD at pinalinisan sa crew pero nang pumasok na sila hindi lamang bakas ng dugo ang tumambad sa kanila kundi isang bagong silang na sanggol na lalaki.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Bukod dito, may nakasalpak pang tisyu sa bunganga ng sanggol.

Sa backtracking ng Philippine National Police (PNP), lumalabas na maraming gasolinahan ang pinuntahan ng babae.

Patuloy na pinaghahanap ang ina ng bata at vine-verify ang  plaka ng sasakyan ng babae para matukoy ang may-ari nito.