Videographer, sugatan matapos pagbabarilin habang nagmamaneho

Pinaulanan ng limang bala ang isang lalaking videographer habang ito’y nagmamaneho sa North Luzon Expressway (NLEX) southbound lane sa bayan ng Pulilan, Bulacan.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Ayon sa ulat ng Pulilan Police, agad silang rumesponde nang makatanggap ng tawag hinggil sa nangyaring pamamaril.

May tama sa kanang balikat ang lalaki pero agad naman itong dinala sa ospital kaya’t naging stable na ang kanyang kondisyon.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Pulilan police ang naturang insidente.