Lider ng gun-for-hire na nauugnay sa Fajardo Criminal Group, arestado ng QCPD

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang dalawang lalaki makaraang mahuli sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay Batasan Hills, QC.

Arestado si Zoren Almazan – dating miyembro ng Fajardo Criminal Group sa Batangas at kasalukuyang lider ng gun-for-hire group at nagbabagsak ng ilegal na droga sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Kasama ring nadakip ang kasama nitong si Herbert Gagalang.

Nakumpiska mula sa dalawa ang nasa animnapung gramo ng hinihinalang shabu at isang kalibre .9 milimeters na baril.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

May mga nauna nang kaso si Almazan, kabilang rito ang murder, robbery, robbery-homicide, at grave coercion.

Inaalam na ng QCPD kung sila ba ang nasa likod ng shooting incidents sa Metro Manila na may kaugnayan sa ilegal na droga.