Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na bababa ang presyo ng bigas sa pagsisimula ng panahon ng anihan sa mga susunod na linggo.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, umaasa sila na bababa ang presyo sa mga susunod na panahon.
Aniya, mahalaga ang suplay at presyo ng bigas sa international market.
Samantala, nakikita naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura na maaaring bumaba ng P2-4 ang retail prices ng bigas ngayong Pebrero.
Anila, bumaba na ang farm gate price ng P1 kaya yung presyo sa outlet na umakyat ng P54-P58 ay dapat bumalik sa P52-P54.