Enrique Gil, pinabulaanan na nahiwalay na sila ni Liza Soberano

Muling iginiit ng aktor na si Enrique Gil  na hindi pa sila hiwalay ng kanyang on-and-off screen partner na si Liza Soberano.

Read More:  Michelle Vito and Enzo Pineda get engaged after 7 years together

Paglilinaw ni Enrique, paraho lang sila busy sa kani-kanilang mga proyekto.

Kasalukuyang pino-promote ni Gil ang kanyang upcoming movie na “I Am Not Big Bird,” habang abala rin si Soberano sa kanyang Hollywood film na “Lisa Frankenstein.”

Read More:  John Arcilla calls for jail time for those behind dumping of 25 pet remains in Bulacan

Taliwas ito sa mga alegasyong kumakalat na matagal nang hiwalay ang LizQuen, na pinangunahan ng dating talent manager na si Ogie Diaz.