76-anyos na lolo, patay matapos malunod sa Pagbilao, Quezon

Patay ang isang 76-anyos na lolo matapos itong malunod sa isang ilog sa bayan ng Pagbilao, Quezon nitong Biyernes.

Ayon sa police report, bandang alas-5:30 ng hapon umano nang magtungo ang biktima sa malapit na ilog upang maghugas ng paa na nakagawian na nitong gawin.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Dakong alas-6:55 ng gabi, doon na ito natagpuan ng kanyang anak habang palutang-lutang at wala ng buhay.

Read More:  DOJ recommends charges against police officer over Tacloban school shooting gun

Samantala, isinugod pa sa hospital ang biktima subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Pinaniniwalaang nadulas ang biktima at tumama ang ulo nito sa mabatong bahagi ng ilog at nalunod.