Mahigit kalahating milyong halaga ng suspected shabu, nasabat sa Rizal

Nasakote ang apat na suspek sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga sa probinsiya ng Rizal.

Sa lungsod ng Antipolo, nadakip ng operatiba ng Antipolo Component City Police Station ang dalawang tinaguriang High Value Individual habang sa bayan ng San Mateo, dalawang lalakeng tulak ng iligal na droga ang nadakip din ng kapulisan.

Nagresulta ang nasabing operasyon sa pagkakakumpiska ng halos 80 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit limandaang libong piso.

Bukod dito narekober din ang isang kalibre 38 na baril.

Nahaharap na ang mga nadakip sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms & Ammunition” and Violation of Section 5 & 11, Article II of RA 9165 at kasalukuyan nakapiit sa himpilan ng pulisya na nakadakip sa kanila.

Ang mga nakumpiska namang ebidensiya ay dinala sa Rizal Forensic Unit para sa karagdagang pagsusuri.
#