Itinurn-over na mga similya ng bangus ng BFAR sa bayan ng Jose Panganiban noong nakaraang taon, hinarvest na ng mga mangingisda; Nahuling bangus umabot sa humigi’t-kumulang dalawang tonelada

CAMARINES NORTE – Umabot sa humigit kumulang dalawang tonelada ng isdang bangus ang naharvest ng mga mangingisda sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte nitong nagdaang araw.

Hinarvest ito ng Samahan ng Maliliit na Mangingisda ng Barangay Osmena sa nasabing bayan sa tulong ng Municipal Agriculture Office at Pamahalaang Bayan ng Jose Panganiban.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Kung matatandaan na noong nakaraang Agosto, taong 2023 ng itinurn-over ng BFAR Regional Office – V sa Samahan ng Maliliit na Mangingisda ang isang HDPE Marine Fish Cage kasama na ang libu-libong libreng semilya ng Bangus para sa kabuhayan ng nasabing mga mangingisda.

Read More:  Army’s newest Lieutenants include seven from Negros’ CHICKS Area

Sa ngayon, ibinibenta nila ito sa mas murang halaga sa nasabing lugar at mga kalapit barangay.

Dagdag pa rito, naging malaking tulong umano ang nasabing programa sa mga samahan ng maliliit na mangingisda sa pagkakaroon nila ng tuloy-tuloy na pagkakakitaan.