Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Albay sa loob ng isang linggo, pumalo sa mahigit 50 katao

LEGAZPI CITY – Umabot sa 55 katao ang nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Albay sa loob lamang ng isang linggo.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH) Bicol, pinakamaraming tinamaan ng nasabing sakit ang Legazpi City na may 28; sinundan ng Daraga na may 12; 9 sa Tabaco City at tigdadalawa naman sa Malilipot, Pio Duran at Ligao City.

Read More:  14-year-old student found with .357 Magnum inside Cebu school
Read More:  Senior Citizens in Gensan find fun, fitness in Pickleball

Dahil dito, pinapayuhan pa rin ang publiko sakali man na makaranas ng malalang sintomas ng naturang sakit, agad na komunsulta sa doctor upang hindi na makahawa pa sa kanyang pamilya o kaibigan.