Isang hotel sa Texas, nakaranas ng pagsabog dahil sa gas leak

Hindi bababa sa 21 katao ang sugatan sa isang pagsabog ng gas leak sa Sandman Hotel sa downtown Fort Worth, Texas.

Read More:  Father leaves 7-year-old son alone on Japan’s Mount Fuji for hours

Ayon sa Fort Worth Fire Department na si Craig Trojacek, may nangyayaring construction sa gusali ng sumabog ito, ngunit hindi pa malinaw kung ano ang rason bakit ito nangyari.

Samantala, wala namang nasawi sa pagsabog ayon sa mga awtoridad.

Read More:  Brazil fines TikTok $30-M over alleged failure to protect minors

Sa 21 kataong nasugatan, isang tao ang nasa kritikal na kondisyon, habang apat na iba pa ang may malubhang ngunit hindi nakamamatay na pinsala.