IPHO So.Cot, nakapagtala ng 39 biktima ng paputok

KORONADAL CITY- UMABOT sa 39 na mga indibidwal ang nabiktima ng paputok sa lalawigan ng South Cotabato sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ito ay batay sa pinal na talaan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa pagtatapos ng Fireworks-Related Injury Surveiilance noong January 5. Ang naturang bilang ay mas mataas ng 44% kumpara sa kaso sa katulad na panahon noong 2023. Pinakamarami sa mga ito ay naitala sa Koronadal City na umabot sa 17.

Read More:  Newborn baby found dead along General Santos City shoreline

Ang mga biktima ay may edad na 5 taon hanggang 56 years old. Karamihan sa mga ito ay naputukan ng illegal firecrackers katulad ng 5 star, boga, triangle at piccolo. Wala namang naitalang namatay dahil sa paputok at wala ding insidente ng stray bullet.

Read More:  Academe, religious groups to hold prayer rally against SOCOTECO II-Ignite Power JVA