Ex-kagawad sa Tiaong, Quezon, pinagbabaril-patay ng riding-in-tandem

Patay ang isang dating kagawad matapos umano itong pagbabarilin ng apat (4) na mga suspek sa tahanan nito sa Barangay Cabay, Tiaong, Quezon nitong Sabado, Enero 6.

Ayon sa police report, nasa terrace umano noon ng bahay ang biktimang si “Primo”, 53-anyos, nang biglang dumating ang mga suspek saka makailang beses na pinaputukan ang biktima na naging sanhi ng pagpanaw nito.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Samantala, agad na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente dala ang armas na ginamit.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo ng mga ito sa pamamaril.